Nahaharap sa kasong plunder sa Ombudsman si dating Mayor Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay at dalawang information technology companies na ang stockholders ay nagsilbi umanong dummy ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Atty. Renato Bondal, kailangang managot sa isinampa niyang P828 million peso plunder complaint si dating Mayor Binay gayundin ang mga aniya’y kilalang dummies ng bise presidente.
Dawit din aniya sa maanomalyang IT contract sina Hirene Lopez, asawa ni Tomas Lopez ng Powerlink.com Corporation at Margaerite Lichnock, maybahay naman ni Gerry Limlingan ng Codeworks.ph Incorporated.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)