Pinayagan ng Sandiganbayan na makapagbiyahe patungo ng Estados Unidos si dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Inaprubahan ng Sandiganbayan 3rd Division ang mosyon ni Binay na magtungo sa Los Angeles California mula August 15 hanggang 24 upang ipagamot ang may sakit na anak.
Inaksyunan ng Anti-Graft Court ang mosyon ni Binay dahil mayroon na itong appointment sa doktor ng kanyang anak sa August 19 at 20.
Kasabay nito ay inatasan ng Sandiganbayan si Binay na magbayad ng mahigit sa P600,000 travel bond.
Si Binay ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil sa di umano’y overpriced na pagpapagawa sa Makati City Hall Building II.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)