Mahigpit nang ipagbabawal ang pagtitinda ng junk food at matatamis na pagkain sa mga paaralan sa Quezon City.
Ito ay kasunod ng implementasyon sa ilalim ng Ordinance Number 2579, bawal na ang pagtitinda ng naturang mga pagkain sa loob at labas ng mga paaralan sa preparatory, elementary at highschool.
Ipinagbabawal din sa ilalim ng naturang ordinansa ang mga street food tulad ng fishball, kikiam at iba pa.
Sakop ng bagong kautusan ang mga tindahan na pasok sa isang daang metro sa paligid ng pampubliko at pribadong eskwelahan.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng isang libo hanggang sa limang libong piso at pagkansela sa kanilang business permit.
—-