Kumita ng P16 million pesos ang pelikulang “Just the 3 of Us” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa opening day nito kahapon, May 4.
Ito ang sinabi ni Mico del Rosario, Star Cinema ADProm manager sa kanyang Instagram account.
Ito ang unang proyekto kung saan ang isang GMA-7 actress ay ipinareha sa isang ABS-CBN actor para sa isang pelikula.
Sa panig ng direktor nitong si Cathy Garcia Molina ay naging maingat aniya siya sa pagtitiyak na may bagong ipapakita si Cruz sa mga manonood.
“Sa sampung pelikula na ginawa namin, sampung characters ang ginawa namin. Apart from the TV shows and films na ginawa niya with other directors. Ang hirap talaga ibahin siya every time. Yung yung challenge namin sa isa’t isa, lalo na kay Lloydie na maiba siya every time. Iiyak ng iba, tatawa ng iba, magmamahal ng iba.” Pahayag ng direktor.
Samantala, dahil sa tagumpay ng pelikula ay may mga humihirit na agad ng follow-up project na muling pagtatambalan nina Cruz at Mercado.
Showing na ang ‘Just The 3 of Us’ sa lahat ng sinehan sa bansa.