Nanumpa na si Justice Alfredo Benjamin Caguioa bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Isinagawa ang oath-taking ceremony kahapon sa pangunguna ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Present din sa nasabing seremonya ang 13 Supreme Court Magistrates, DOJ Acting Secretary Emmanuel Caparas at ang pamilya ni Caguioa.
Pinalitan ni Caguioa si Justice Martin Villarama na nagretiro noong Enero 16 dahil sa problemang pangkalusugan.
Si Caguioa ay kaklase ni Pangulong Noynoy Aquino sa Ateneo de Manila University.
Itinalaga siya ng Pangulo bilang presidential legal counsel noong 2010 at naging kalihim ng DOJ noong October 2015.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)