Itinalaga bilang acting Supreme Court Justice si Senior Associate Justice Antonio Carpio kasunod ng pagreretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin.
Ito ay dahil wala pang itinatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na chief justice mula sa listahan ng mga nominado.
Ayon kay Court Administrator Midas Marquez, hindi na kailangan pa ng pormal na appointment o resolution ni Carpio dahil ang naturang succession ay sa ilalim ng jurisprudence.
Matatandaang ilang beses na ring tinanggihan ni Carpio ang pinakamataas na posisyon sa Hudikatura kabilang dito ay nuong May 2018 nang masipa sa pwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Isang linggo lamang manunungkulan si Carpio bilang punong mahistrado dahil nakatakda rin itong magretiro sa October 26.