Pinag-iihinbit ni 1-Bap Partylist Representative Silvestre Bello III si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa quo warranto petition case laban kay Senador Grace Poe.
Ayon kay Bello, si Carpio ay kilalang malapit sa kilalang abogadong si Atty. Avelino Nonong Cruz nang tinaguriang The Firm na matalik namang kaibigan ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Sinabi ni Bello na may bias na ang mahistrado dahil sa pagiging malapit na rin nito kay Roxas sa pamamagitan ni Cruz kaya’t dapat na itong magbitiw bilang isa sa mga dumidinig sa naturang kaso laban kay Poe.
Kasabay nito, kinontra ni Bello, dating Justice Secretary ang naunang pahayag ni Carpio na hindi natural born filipino si Poe na imposible naman dahil dito sa Pilipinas ito natagpuan.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)