Pinakakastigo ng isang grupo sa mga mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro.
Ito’y ayon sa grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment o FATE ay dahil sa paglabag ni De Castro sa internal rules ng High Tribunal dahil sa pagbibigay nito ng mga maseselang dokumento at impormasyon sa media.
Giit ng grupo, posibleng lumikha ng mas malaking problema sa hinaharap ang ginawang hakbang ni De Castro na anila’y malinaw na pagpapakita ng kawalan nito ng disiplina.
Magugunitang naging sentro ng talakayan sa pagdinig ng House Committee on Justice kahapon ang naging ulat ni Manila Times Reporter Jomar Canlas na naging batayan ng impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinasabing si De Castro umano ang nagbigay ng impormasyon kay Canlas hinggil sa mga umano’y paglabag ni Sereno bagay na pinabulaanan naman ng mahistrado.
—-