Mariing itinanggi ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang balitang hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na maitalaga bilang bagong Punong Mahistrado.
Sa isang forum na ginanap sa University of the Philippines – Diliman, iginiit nito na wala siyang pagkakataon na maka-usap ang Pangulo at malaking kasinungalingan ang paghingi niya ng mas mataas na posisyon.
Ipinaliwanag ni Leonen na siya ay kasalukuyang pang-walo mula sa pinaka-senior sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Naniniwala itong ang top 5 senior ang silang mas kuwalipikado at karapat-dapat aniya para maging susunod na Chief Justice.
Una rito pinalutang ng isang taga-suporta ng Pangulong Duterte na lumipad umano patungong Davao City si Leonen noong Hunyo para maka-usap ang Pangulo at ihayag ang interes nito sa pagka-Punong Mahistrado.
—-