Tiniyak ni Senador Richard Gordon na hindi pa abswelto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BOI).
Ayon kay Gordon, bubusiin ng Senate blue ribbon committee ang posibleng kapabayaan ni Aguirre.
Mananagot din, aniya, maging si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente dahil sa kabiguan nilang pangasiwaan ang kanilang mga tauhan.
Kaugnay nito, sinabi ni Gordon na dapat makasuhan ang direktang sangkot sa umano’y suhulan ang mga dating Immigration Commissioner na sina Al Argosino at Michael Robles.
By: Avee Devierte