Pinakikilos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kaniyang mga tauhan para mangalap ng impormasyon kaugnay sa operasyon ng isang online message board na 8chan.
Sinasabi na ang 8chan umano ay may kinalaman sa tatlong mass shootings sa Amerika at New Zealand.
Ayon kay Gueverra, batay aniya sa ilang ulat na kanilang natanggap ang may ari ng 8chan ay si Jimmy Watkins na isang U.S Army veteran na nakabase sa Pilipinas.
Gayunman, kinumpirma pa umano nila kung kapangalan lamang ni Jim Watkins ang Jim Watkins na nanirahan sa Pilipinas.
Mayroon kasi umanong watkins na umalis sa Pilipinas noon pang May 9, 2019 batay sa Bureau of Immigration.
Sinabi ni Gueverra na anoman ang makalap nilang impormasyon ang pagbabatayan kung papasukin na ba ang National Bureau of Investigation sa imbestigasyon.
Samantalang ang isa pang sinasabing founder ng naturang online message board na si Frederick Brenan ng working visa holder ay pinaniniwalaan namang nasa bansa at ang anak ni Jimmy Watkins na si Ronald Watkins.