Binigyan na lamang ni Justice Secretary Menardo Guevarra nang hanggang Hunyo 18 ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox upang lisanin ang Pilipinas.
Taliwas ito sa kautusan ng Bureau of Immigration na dapat ng umalis ng bansa si Fox sa loob ng isang araw.
Ilang oras matapos iapela ng dayuhan ang forfeiture ng kanyang missionary visa sa Department of Justice, inihayag ni Guevarra na ang 30-day period na inirekomenda ng BI upang umalis si Fox ay naantala dahil sa kanyang paghahain ng motion for reconsideration.
Magugunitang inakusahan ang dayuhang misyonaryo ng pakikibahagi sa partisan political activities sa Pilipinas.
Samantala, inatasan naman ni Guevarra ang BI na mag-komento sa petisyong inihain ni Sister Pat na humihiling na baligtarin ang April ruling na nagbababa sa kanyang missionary visa patungo sa temporary tourist visa.
—-