Nakatakdang magbitiw sa tungkulin si Department of Justice Sec. Leila De Lima sa October 12, Lunes sa susunod na linggo.
Ayon kay De Lima, ito ay upang magbigay daan sa kanyang pagtakbo sa pagka senador
Mayroon na aniyang napili ang Pangulong Noynoy Aquino na papalit sa kanyang iiwanang pwesto.
Nagpasalamat naman si De Lima na bagama’t baguhan palamang sya sa pulitika ay nakakuha sya ng mataas na puntos sa mga survey.
Sa pinakahuling Pulse Asia senatorial preference survey, nakakuha si De Lima ng 35.2 percent na rating.
By: Rianne Briones