Pinagbibitiw ng Makabayan Bloc ng House of Representatives si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kasunod ito ng ipinalabas na rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na nagbabasura sa illegal drug case laban sa mga tinaguriang big time drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro, kung talagang may delicadeza si Aguirre, hindi na dapat pang hintayin ng kalihim na sibakin siya ng Pangulo at kusa nang mag-resign.
Naniniwala rin ang Makabayan Bloc na nagkaroon ng sabuwatan sa mga opisyal ng ahensiya.
Samantala hinimok naman ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez si Pangulong Rodrigo Duterte na silipin ang trabaho ni Aguirre.
Aniya, nakakaalarma na dalawang taon pa lamang sa posisyon si Aguirre pero marami nang kuwestiyon sa integridad ng DOJ at mga ahensiya sa ilalim nito.
—-