Sinopla ng Malakanyang si Justice Secretary Emmanuel Caparas makaraang atasan ito na itigil ang anumang aksyon nito sa kaso ng nag-aaway na mag-amang Regis at Michael Romero.
Ayon sa isang source, hawak ni Caparas ang isang resolusyon mula sa Malakanyang na nag-aatas sa kanya na itigil ang ginagawa nitong kilos kaugnay ng kaso.
Magugunitang binaligtad ng DOJ. ang dalawang nauna nitong rulings sa kaso ng mag-ama na kapwa contesting owners ng Harbour Centre Port Terminal Incorporated, na operator ng 10-hectare Manila Harbor Centre Terminal.
Kaugnay ito sa complaint na qualified theft o complex crime of qualified theft sa pamamagitan ng falsification of commercial documents laban kay Incoming 1-Pacman Representative Michael Romero, President at Chief Executive Officer ng HCPTI; Edwin Jeremillo, HCPTI Chief Operating Officer for Administration at Edwin Joseph Galvez, HCPTI Chief Finance Officer.
By: Drew Nacino