Nakatanggap ng P5 milyong pisong buwanang allowance si Justice Secretary Leila de Lima, mula kay Maguindanao Governor Toto Mangudadatu.
Ayon ito sa complaint affidavit ni Jeremy Joson, ang dating testigo nina Atty. Nena Santos at Gov. Toto Mangudadatu, sa umano’y panunuhol ng kampo ng mga Ampatuan, sa mga prosecutor, para mailagay sa kumprimiso ang Maguindanao massacre case.
Sinabi ito ni Joson, kasabay ng kanyang pagsasampa ng kasong kidnapping laban kina Atty. Nena Santos, Gov. Toto Mangudadatu at kasama nito.
Una nang binawi ni Joson ang kanyang akusasyon hinggil sa suhulan sa mga prosecutor, at sinabi na nagawa lamang niya ito, dahil sa kumpas nina Santos.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)