Hindi pinatulan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga akusasyong ibinato sa kaniya ng nasuspindeng hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag.
Kaugnay ito sa pagkakasangkot ni Bantag sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid, kung saan hinimok nito si Remulla na magbitiw sa puwesto dahil umano sa pakikialam sa imbestigasyon.
Sagot ni Remulla sa sinabing ito ni Bantag, dapat ay magpakalalaki muna ang dating BuCor chief at harapin na ang mga reklamong inihain ng PNP at NBI laban sa kanya.
Tikom naman ang bibig ng justice secretary sa pag-kuwestiyon ni bantag sa kanyang kredibilidad para pamunuan ang DOJ.
Nasa Geneva Switzerland ngayon si Remulla para sa universal periodic review ng United Nations Human Rights Committee.