Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na handa siyang humarap sa mga senador.
Ito aniya ay kung sakaling ipatawag para magpaliwanag sa ginawang pag-abswelto ng Department of Justice o DOJ kay dating Bureau of Customs o BOC Chief Nicanor Faeldon at iba pang opisyal na idinadawit sa nadiskubreng bilyun-bilyong halaga ng shabu na naipasok sa bansa mula China.
Nilinaw ni Aguirre na hindi maaaring makialam ang kanyang tanggapan sa trabaho ng National Prosecution Service o NPS na siyang nagsagawa ng preliminary investigation sa reklamong iniharap sa DOJ ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Gusto lang aniyang palabasin ng mga mambabatas at ng kanyang mga kritiko na kumukuwestiyon sa resolusyon na dinidiktahan niya ang mga taga-usig.
Paliwanag naman ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, ibinatay lamang nila ang desisyon sa kaso sa mga inilatag na ebidensya ng complainant.
—-