Nanindigan ang isang pro-life congressman na walang tamang panahon para muling ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Ito’y ayon kay Albay Representative Edcel Lagman dahil sa kasalukuyang nahaharap sa krisis ngayon ang pamahalaan.
Bukod aniya sa mga tiwaling pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen, malaki rin ang kinahaharap na problema ng sangay ng hudikatura sa usapin ng katiwalian.
Dahil dito, sinabi ni Lagman na sa halip na isulong ang death penalty bill, makabubuting ituon na lamang ng lehislatura ang atensyon nito sa kung paano maisasaayos ang justice system sa bansa.
By Jaymark Dagala