Nagbitiw na sa puwesto si Justice Undersecretary Jose Justiniano, epektibo sa Oktubre 30.
Isinumite ni Justiniano ang kanyang resignation letter, dalawang araw matapos italaga ng Malakanyang si dating Chief Presidential Legal Counsel Alfredo Benjamin Caguioa bilang bagong kalihim ng DOJ.
Paliwanag ni Justiniano, napagpasyahan ng kanilang pamilya na bumalik na lamang siya sa private practice.
Matatandaang isa si Justiniano sa lumabas na pangalan na posibleng pumalit kay dating Justice Secretary Leila de Lima na tatakbong senador sa 2016.
By Meann Tanbio