Malaki ang tiyansa na makalaro sa ilalim ng Gilas Pilipinas si Ginebra San Miguel Power Forward Justin Brownlee para sa 6th Window FIBA World Cup Qualifiers na gaganapin sa bansa sa February 2023.
Ito’y matapos aprubahan sa unang pagbasa ng kongreso ang panukalang batas para maging Filipino citizen ang PBA import na si Brownlee na isa sa mga kailangan sa torneyo.
Nabatid na ang pag-apruba kay Brownlee ay malaking tulong sa Gilas para masungkit ang panalo laban sa Lebanon at Jordan.
Sa ngayon, patuloy pang kinukumpleto ang mga kailangang dokumento ni Brownlee para tulungan ang Gilas sa kompetisyon.