Ibinunyag ng Canadian Pop Star na si Justin Bieber na kasalukuyan siyang dumaranas ng partial facial paralysis.
Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Bieber na mayroon siyang Ramsay Hunt Syndrome.
“I have this syndrome called Ramsay Hunt Syndrome and it is from this virus that attacks the nerves in my ear, my facial nerves and has caused my face to have paralysis” saad ni Bieber.
Nanawagan naman ang Pop Star na isama siya sa mga panalangin ng kaniyang mga fans.
Dahil dito, inanunsiyo ng 28-year old singer na pansamantalang suspendido muna ang tatlong shows ng 2022 Justice World Tour.