Muling nagpaliwanag ang isang mambabatas kaugnay ng panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act Number 9344 o ang Juvenile Delinquency Act.
Ayon kay Davao Del Norte Rep. At incoming House Speaker Pantaleon Alvarez, ang nabanggit na house bill na inakda nila ni Capiz Rep. Fredenil Castro ay naka-sentro sa pagpapanibagong-buhay ng mga kabataang nagkasala.
Ang pahayag ay ginawa ni Alvarez bilang tugon sa umano’y pagtutol ng ilan sa pagpapababa ng minimum age ng criminal responsibility mula 15 hanggang 9 na taon.
Giit ni Alvarez, sa pamamagitan ng nasabing panukalang batas ay masasawata ang talamak na paggamit ng mga sindikato ng mga bata sa paggawa ng krimen.
Nananawagan din si Alvarez sa lahat ng mga stakeholders na repasuhin ang mga susog na nais idagdag para lubos itong matalakay.
By: Jelbert Perdez