Inabswelto ng Sandiganbayan si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito sa kasong graft.
Ito’y may kaugnayan sa pagbili ng P2.1 Milyong halaga ng mga armas noong si Ejercito pa ang Alkalde ng San Juan City noong 2008.
Sa 45-pahinang desisyon, tinanggap ng Sandiganbayan 5th Division ang inihaing demurrer to evidence ni Ejercito kung saan iginiit nito na wala siyang ibinigay na unwarranted benefit sa HK Tactical Defense System, Inc. o HKTDSI na siyang supplier ng naturang firearms.
Sinasabing ginamit umano ni Ejercito ang calamity fund ng San Juan City Government para ipambili ng mga armas, gayong wala namang deklarasyon ng state of calamity sa Lungsod.
By: Meann Tanbio / Jill Resontoc