Hindi ikinabahala ni Senador JV Ejercito ang inilabas na hold departure order (HDO) laban sa kanya ng Sandiganbayan.
Ayon kay Ejercito, wala naman siyang balak lumabas ng bansa kaya’t hindi siya dapat bantayan ng Bureau of Immigration (BI).
Muling iginiit ni Ejercito na inosente siya sa inaakusa laban sa kanya hinggil sa iligal na pagbili ng armas noong 2008 para sa mga pulis sa San Juan City.
Naniniwala ang senador na may halong pulitika ang pagsasampa ng kasong graft laban sa kanya sa Anti-Graft Court na nasundan pa ng pag-iisyu ng HDO.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)