Hindi pa nakakapagpasya si Senator JV Ejercito kung sino ang kanyang iboboto bilang senate president.
Ayon kay Ejercito, kinakausap niya sina Senator Koko Pimetel at Allan Peter Cayetano at nauunawaan naman aniya ng dalawang senador ang kanyang posisyon.
Aminado si Ejercito na malaking bagay na ikinukunsidera niya sa pagpili ay kung kaninong liderato niya maitutulak ang reporma sa railway system ng bansa.
“Ang crucial dito kung saan sa tingin ko na ako’y makakatulong maitutulak ko, magiging useful ako lalo sa pagtutulak ng aking adbokasiya, I have to be honest ang interes ko naman ay yung railway system at airport.” Pahayag ni Ejercito.
Railways
Nais isulong ni Sen. JV Ejercito ang pagkakaroon ng linya ng tren patungo sa Region 2 at pababa sa Quezon.
Sinabi ni Ejercito na magandang pandagdag ito para sa PNR na umaabot sa Sorsogon.
Binigyang diin din ni Ejercito na sa halip na pagdadag ng mga highway, mas makakabuting magdagdag ng mga riles patungo sa mga probinsya para mapabilis ang pagbibiyahe ng mga tao at mga produkto.
By Katrina Valle | Karambola