Naglagak ng P30,000 na piyansa si Senador JV Ejercito kaugnay sa kinakaharap na kasong graft sa Sandiganbayan.
Personal na nagtungo si Ejercito sa Sandiganbayan Fifth Division, kasama ang kanyang abogado na si Sigfrid Fortun para ihain ang piyansa sa kanyang kaso.
Sumailalim din ang senador sa booking procedure at kinuhanan ng mugshots.
Matatandaang kahapon, nagpalabas ng warrant of arrest ang Anti-Graft Court laban kay Ejercito at limang iba pang mga opisyal ng San Juan City Government dahil sa maling paggamit ng calamity funds para pambili ng high-powered firearms noong siya ay alkalde pa ng lungsod.
Itinakda naman sa April 18 ang pagbasa ng demanda kay Senador JV Ejercito kaugnay sa kasong graft na kinakaharap nito sa Sandiganbayan.
Alinsunod na rin ito sa inilabas na kautusan ng Clerk of Court ng Sandiganbayan 5th Division.
Lifted na rin ang warrant of arrest kay Ejercito matapos itong magpiyansa
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)