Nanindigan si Senador JV Ejercito na inosente siya sa kasong graft at technical malversation na isinampa sa Sandiganbayan laban sa kanya.
Kaugnay nito, sinabi ni Ejercito na hindi siya nababahala kahit pa inisyuhan na ito ng warrant of arrest.
Malinaw, aniya, na politically motivated ang pagbuhay sa naturang kaso at sa mabilis na pagsusulong nito.
Gayunpaman, tiniyak ni Ejercito na susundin niya ang ligal na proseso at paghahandaan niya ang depensa sa kaso.
Umaasa si Ejercito na magiging patas ang paglilitis ng korte sa kaso.
Tiwala, aniya, siya na sa huli, maibabalik niya ang dangal at dignidad bilang senador at dating alkalde ng San Juan.
Sinabi ni Ejercito na inisip lamang niya na maprotektahan ang kanyang mga constituents laban sa mga masasamang elemento ng lipunan kaya sila bumili ng armas noon para sa San Juan City Police.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)