Muling iginiit ni House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig City Representative Roman Romulo na kailangan nang repasuhin ang hindi epektibong K-12 curriculum.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Congressman Romulo, na maaari nang pumili sa dalawang education pathways ang mga mag-aaral na magtatapos ng grade 10.
Bukod dito, maaari ring tumuloy sa kolehiyo ang isang grade 10 student nang hindi na daraan sa grades 11 at 12 kapag naipasa ang honors exam.
Una nang inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang Education Pathways Act upang maibsan ang pasanin ng mga mag-aaral gayundin ang mga magulang.