Muling ipinanawagan ng minorya sa Kamara ang pag-aaral na ‘K-12’ program.
Ito’y matapos lumabas sa isang literacy assessment na pinaka mahina ang mga pilipinong mag-aaral sa pag-intindi sa binabasa.
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, kailangang pag-aralang mabuti kung talagang epektibo ang enchanced basic education curriculum na kasalukuyang ipinatutupad sa ilalim ng ‘K-12’.
Sinabi naman ni Minority Leader at Manila Rep. Benny Abante na mas malaki pa rin ang porsyento ng mga TESDA short course graduates na ma-hire sa trabaho kumpara sa mga ‘K-12’ graduates.