Aminado ang K-pop group na Treasure na gusto na nilang ma-meet ang mga Filipino fans.
Ayon sa grupo, matagal na nilang gustong makita ang mga Pinoy na tinawag nilang “treasure maker” pero hindi ito natutuloy dahil sa pandemya.
Nagpasalamat naman ang lider ng grupo na si Hyunsuk sa mga Pinoy fans dahil sa aniya’y walang sawang pagsuporta at pagmamahal nito sa kanila.
Matatandaang naglabas ng kanilang kauna-unahang full-length album ang Treasure noong January 11 na may pamagat na “The First Step : Treasure Effect” kung saan kasama rito ang awiting “My Treasure.”