Ginawaran ng parangal ang kilalang K-Pop sensation na BTS bilang Recording Artist of the Year ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI) para sa taong 2020.
Ito ay kasunod ng kasikatan ng grupo sa buong mundo kung saan naging kauna-unahang Korean pop act na naabot ang unang pwesto sa US Billboard Hot 100 singles chart na may English language single na ‘Dynamite’ at nanomina sa grammy awards.
Ayon kay IFPI Chief Executive Frances Moore, isang global phenomenon ang BTS at tunay na nagpapamalas ng kapangyarihan ng musika na makapagdala ng kasiyahan sa mga tao sa buong mundo.
Matatandaang, kinilala rin ang BTS bilang entertainer of the year ng Time magazine.—sa panulat ni Agustina Nolasco