Muling pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang curriculum ng mga mag-aaral sa kindergarten hanggang Grade 10.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ito ay kasama sa kasalukuyang rebyu na isinasagawa ng ahensya na sinimulan bago ang COVID-19 pandemic.
Dahil target ng Deped maglunsad ng K to 10 curriculum sa 2022, matapos bawasan ng kagawaran ang 14,171 learning competencies sa 5,689 pinakamahahalaga.
Dagdag pa ng DepEd na sisilipin nila ng “Most Essential Learning Competencies” ngayong taon.
— sa panulat ni John Jude Alabado