Nagbabala ang isang advocacy group sa mga opisyal ng gobyerno laban sa pag-alis ng K to 12 program sa basic education.
Ayon kay Chito Salazar, pangulo ng Philippine Business of Education (PBED), dapat pagbutihin na lamang o isulong ang pag-aaral sa programa para palakasin pa ang implementasyon nito.
Inihayag ito ni Salazar matapos na sabihin ni incoming education secretary Sara Duterte na pinare-rebyu ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang programa.
Giit niya talagang mayroon nang krisis sa edukasyon pero hindi ito dapat na isisi sa K to 12 program dahil nagkaroon ng pandemya.
Sa halip, dapat aniya na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagsusulat, pagbabasa at mathematical skills ng mga mag-aaral.