Isinisi sa ipinatutupad na K to 12 program ng Department of Education, ang paghina ng mga estudyante sa kasaysayan ng bansa.
Kasunod ito ng kontrobersyal na pagtatanong ng isang estudyante, kung bakit nakaupo lamang si Apolinario Mabini, sa buong pelikula na Heneral Luna.
Ayon sa historian na si John Rey Ramos, ito ay dahil isinasama nalang makabayan subject, ang philippine history at mas tinututukan dito ang mga trivia, katulad ng petsa at lugar.
Nawawalan aniya ng saysay, sa naturang subject, ang mga nangyari sa kasaysayan.
By: Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)