Tinanong sa isang press conference si Vice President-elect Sara Duterte kaugnay ng panawagan na i-abolish ang K to 12 program ng Department of Education (DEPED) na sinimulan ng Aquino administration.
Ayon kay Duterte, ipinarerepaso ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang naturang programa at target din aniya na maibalik sa face-to-face ang klase sa susunod na school year na magsisimula sa Agosto.
Mababatid na si Duterte ay nominado ni Marcos na maging susunod na kalihim ng DEPED.
Samantala, nagpahayag din ito ng kaniyang kahandaan na makinig sa mga stakeholder sa sektor ng edukasyon.