Ipinakalat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagdagang K9 units sa mga istasyon ng LRT-1 kasabay ng pag-atake ng mga terorista sa Jolo sa Sulu.
Ayon PCG Commandat Admiral George Ursabia Jr., ang naturang hakbang ay para matugunan ang kautusan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, na paigtingin ang ipinatutupad na seguridad sa mga transportation hubs sa bansa sa Metro Manila, lalo na sa mga istasyon ng tren na libo-libo ang taong pumupunta.
Kasunod nito, nanawagan ang PCG sa publiko na maging mapagmatyag sa paligid at ipagbigay alam ang anumang kahinahinalang tao, gamit, at iba sa mga awtoridad para agarang maaksyunan.