Inihayag ni Presidential Aspirant Ka Leody De Guzman na handa siyang umatras sa halalan at magbigay-daan kay Vice President Leni Robredo kung magtutugma ang kanilang mga plataporma.
Bilang Labor Leader, kabilang sa mga paltaporma ni De Guzman ay ang pagtatapos ng kontraktuwalisasyon, pagbabago sa privatization, deregulation, at pag-rebisa sa Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Sinabi pa ni De Guzman na hindi siya desperado sa posisyon. —sa panulat ni Hya Ludivico