Nasa kalagitnaan pa lang ng 2024, ngunit tatlong kampeonato na ang naiuwi ng sabong sensation na si Ka Rex Cayanong sa Big Time Derby.
Noong Agosto 20, naging solo champion si veteran broadcast journalist Cayanong sa Big Event Early Bird Edition, 6-Stag Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum sa Antipolo City.
Sa ilalim ng entry name na KA REX 1.5M No Pot 6-STAG NOV 5 Pasay/Sky Walker, nakamit ni Cayanong ang perpektong anim na puntos at naiuwi ang P500,000 premyo.
Pinanalo ni Cayanong ang laban gamit ang mga malulupit na bloodlines na Bostabo, Pumpkin Sweater, at Grey.
Tinalo niya ang mga tigasing entries tulad ng CP Horse Power ni Engr Cueto sa unang laban at SMC ni Tady Palma sa ikalawa.
Siniyapol din ng mga warriors ni Cayanong ang mga entries na RBS Sta. Clara, Ryan Design, 3M 718 Pateros, at GALLOTECH ni Von Cruz.
Ang ginamit ni Ka Rex sa kanyang huling laban ay ang Grey.
Kasama ni Cayanong sa paghahanda ng kanyang mga manok sina Anteng, Jharet, at Roel Bullecer, habang si Juan Carlo “Taho” Bullecer ang gaffer.
Siyam na entries ang naka-limang puntos at nagbahagi ng P300,000 sa event na umabot sa 224 na laban.
Naunang itinaguyod ni Cayanong ang kanyang unang kampeonato ngayong taon sa 3-Cock Derby sa Angono Cockpit, sinundan ng 4-Cock Derby sa San Roque Marikina Cockpit.
Nakadagdag pa sa kinang ng sabungan ang pagiging kasador ni comedian actor Long Mejia.
Sa kasagsagan ng sultada, dumating din ang sikat na breeder at former World Slasher Cup champion Biboy Enriquez ng Fire Bird GameFarm.
Samantala, kasama sa mga kilalang sabungero na naroon sa venue sina Mandy Garcia at Don King, na siyang magpapalabas ng Big Event 7-Stag Derby sa San Pedro Coliseum sa Setyembre 29.
Nabatid na ang susunod na laban ni Cayanong ay ang “Ka Rex B-Day 1.5M 6-Stag National Invitational Derby” na gaganapin sa Pasay Cockpit Arena sa Nobyembre 5.