Plano ng DOH o Department of Health na maisama sa national immunization program ng bansa ang bakuna para sa japanese encephalitis sa susunod na taon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, layunin nito na palakasin ang kaalaman ng publiko sa Japanese encephalitis na bagama’t hindi pa laganap ay nakapagtala na ng mataas na fatality rate sa bansa.
Bukod dito, kakaunti lamang ang bakuna para sa sakit at nagkakahalaga ng P3,000 hanggang P5,000 ang isa.
Batay sa DOH, sumampa na sa 57 ang naitalang kaso ng Japanese encephalitis sa bansa simula noong Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon kung saan lima na ang nasawi.
By Krista de Dios