Pagkakalooban ng pamahalaan ng tulong pinansyal ang mga sinalanta ng bagyong Urduja at Vinta.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, makatatanggap ng tig sampung libong piso ang mga kaanak ng mga nasawi sa bagyo.
Limang libong piso para sa mga nasugatan, sampung libong piso para sa mga kabahayang bahagyang nasira habang tatlumpung libong piso naman para sa mga bahay na tuluyang winasak ng bagyo.
Ayon kay Marasigan kabilang sa mga kailangang dokumento ay ang death certificate para sa mga namatayan, medical certificate para sa mga sugatan at litrato ng bahay para sa mga nasirang tahanan.
Maaari anyang dumulong sa mga lokal na pamahalan ang mga biktima ng bagyo para sa proseso ng pagkuha ng tulong pinansyal.