Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang mga militanteng grupo bilang paggunita sa dapat sana’y ika-27 kaarawan ng pinaslang na transgender na si Jennifer Laude.
Nagtipun-tipon ang mga militante sa Morayta bitbit ang mga watawat at mga plakards na may larawan ni Laude.
Pagdating sa Mendiola, nag-alay ng kandila at panalangin ang mga militante gayundin ang mga tagasuporta ni Laude bilang pag-alala sa kaniyang naging buhay.
Ayon naman kay Atty. Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude, sisimulan din ngayong araw ang 44-day countdown bago ibaba ang hatol laban kay US Serviceman Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa susunod na buwan.
By Jaymark Dagala / Aya Yupangco (Patrol 5)