Ginunita sa Manila Cathedral ang kaarawan ni St. Pope John Paul the Second sa pamamagitan ng pagdaraos ng public worship sa kanyang Blood relic.
Itoy matapos muling buksan sa publiko ang vial na naglalaman ng dugo ng yumaong Santo Papa.
Kaugnay nito, isang misa ang idaraos ngayon sa Manila Cathedral na pangungunahan ni Fr. Joel Jason.
Matapos nito ay muling bubuksan sa publiko ang blood relic hanggang alas 8:00 mamayang gabi.
Maaaring makita ng publiko ang blood relic ni Pope Francis hanggang bukas, araw ng linggo.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na binuksan sa publiko ang blood relic ni St. Pope John Paul the Second kung saan ang una ay nuong a-Siete ng Abril.