Ipinagdiriwang ngayon araw ni Vice President Leni Robredo ang kanyang ika-52 kaarawan.
Ayon sa staff ng Bise Presidente, sa bahay lamang nito sa Quezon City gugugulin ni Robredo ang buong araw kasama ang kanyang pamilya.
Nagpaabot naman ng pagbati si Sen Leila Delima sa Ikalawang Pangulo sa pamamagitan ng sulat na inilabas nito sa media ngayong araw.
Nagpasalamat ang Senadora sa paninidigan ni Robredo sa mga prinsipyong pinaniniwalaan nito at sa pagtataguyod sa karapatang pantao.
Sinabi ni De Lima na kalian may hindi magwawagi ang masama laban sa mabuti at katotohanan laban sa kasingungalingan.
By: Jonathan Andal