Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Interior Department na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na niyanig ng magnitude 7 earthquake, kamakailan.
Ginawa ng Pangulo ang kautusan kasunod ng kanyang naging pagbisita sa mga lugar na matinding naapektuhan ng malakas na lindol.
Ayon naman kay DILG secretary Benhur Abalos, na aabot na sa 656 na mga Police personnel ang kanilang idineploy sa mga apektadong lugar.
Ani Abalos hindi lamang Peace and order situation ang tututukan ng mga ito kundi pati narin ang pagsasagawa ng mga search and rescue operations.
Mayroon din aniyang mahigit 3k standby force na nakahandang maipadala sa mga lugar na tinamaan ng lindol sakaling kailanganin.
Nasa 1,090 PNP personnel ang kanila aniyang itinalaga sa mga evacuation center.