Mananatili ang kaayusan sa Iloilo City kahit pa nagbago ang alkalde rito.
Tiniyak ito ni ngayo’y Iloilo City Mayor Jose Espinosa III matapos manumpa kapalit nang sinibak na si Mayor Jed Patrick Mabilog.
Sinabi ni Espinosa na business as usual na sa Iloilo City at isusulong niya ang mga programa para mapanatiling maunlad at tahimik ang lungsod.
Sisiguruhin din aniya niya ang patas na pamamahala para mas marami pang investors ang mamuhunan sa Iloilo City.
Sina Espinosa at Mabilog ay magka-ticket noong nakalipas na eleksyon.
—-