Mas madalas gumamit ng internet ang mga kababaihan sa Pilipinas kumpara sa mga kalalakihan.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 50% ng mga Pinay ang internet users.
Mas mataas ito mula sa naitalang 49% noong Disyembre ng nakaraang taon.
Samantala, 4 sa 10 mga lalaki o katumbas ng 41% ang gumagamit ng internet sa bansa.
Mababa naman ito mula sa naitalang 44% noong Disyembre.
Halos wala namang naitalang pagbabago ang SWS sa bilang ng mga internet users sa bansa na pumalo sa 46% ng mga adult Filipino.
Isinagawa ng SWS ang survey mula Marso 28 hanggang a31 sa 1,440 mga respondents sa buong bansa.