Naglunsad na ang Quezon City jail female dormitory ng tertiary education para sa kakabaihang Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon sa Quezon City University, umabot sa 52 mag-aaral ang nag-enroll sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship kung saan, maaring makapagtapos ang mga PDL sa loob lamang ng dalawang taon.
Ang nasabing hakbang ay inisyatibo ng pamahalaang lungsod ng Quezon na layuning magkaroon ng access ang mga bilanggo ng de-kalidad na edukasyon para sa kanilang kinabukasan paglabas nila sa City Jail. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla