Sinimulan nang ipatupad ang curfew sa Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay Kabacan Mayor Gerlo Guzman, ito ang napagkasunduan sa pulong ng Municipal Peace and Order Council bilang suporta sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ipatutupad aniya ang curfew sa bayan ng Kabacan mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Gayunman, sinabi ni Guzman na para sa mga mamamayan na kinakailangangang lumabas ng bahay sa oras ng curfew ay magpakita lamang ng anumang government i-d.
Kaugnay nito, nagtayo na rin ng checkpoint ang pulis at militar sa lahat ng entry at exit points sa bayan ng Kabacan.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina