Taong 2007 ng itatag ng SM group, sa pamamagitan ng SM Foundation ang programang Kabalikat sa
Kabuhayan. Nagmula ito sa simpleng pangarap ni Henry Sy, Sr na paunlarin ang ating mga Pilipino sa
tulong ng agrikultura at siguradong may sapat na pagkain ang bawat komunidad.
Mahigit 16 taon na ang nakalipas mula noon, ngunit patuloy ang SM Foundation sa pagbibigay ng
dagdag kaalaman sa pagsasaka at pagnenegosyo.
Nito lamang, umabot na sa higit kumulang 28,550
benepisyaryo ang nakapagtapos sa nasabing programa. Isa na rito si Renato Fojas.
Pagtatanim para sa pamilya, komunidad.
Lumaki si Renato sa payak na pamumuhay. Marangal nyang itinaguyod ang kanyang pamilya sa
pamamasukan bilang karpentero.
“Mahilig akong magtanim simula pa noong bata pa ako. Pero, nagtrabaho ako bilang karpintero. Dahil
kontrata lang ito, hindi laging sigurado ang kita,” bungad niya.
Ang hilig sa pagtatanim ang nag udyok sa kanya para sumali sa KSK-SAP noong 2010. Dito, natutunan
umano ni Renato ang iba’t ibang paraan ng pagtatanim ng prutas at gulay.
Dagdag pa niya, nakakuha rin
siya ng kaalaman tungkol sa akmang pananim sa iba’t ibang uri ng lupa.
Dahil dito, nakapagpayabong siya ng isang vegetable garden sa likod ng kanyang bahay. Ito ay naging
sandalan nila, lalo na noong panahon ng pandemya.